সোমবার, ১৩ ফেব্রুয়ারী, ২০১৭

Mag iina, nasagasaan ng bus habang tumatawid sa pedestrian lane

Huli sa CCTV ang pagsagasa ng isang bus sa mga tumatawid sa pedestrian lane sa harap ng isang eskwelahan sa Brgy. Prado Saba, Lubao, Pampanga.

Nasa ospital ngayon si Alma Lalic at ang kanyang mga anak na sina Ann Lorraine, 6 taong gulang; at Lorenz Albert na 3 taong gulang.

Nakaladkad ng bus ang mga biktima habang papatawid ang mga ito papasok sana sa Prado Saba Elementary School noong Huwebes.

Sa kuha ng CCTV, Huwebes ng umaga, makikitang sabay-sabay na tumatawid ang ilang tao na inaalalayan pa ng mga barangay tanod.

Pero ilang hakbang lang bago makarating sa sidewalk, makikitang may isang pampasaherong bus na umarangkada sa kaliwang linya ng highway.

At dito na nga nasagasaan ang mag-iina.

Kasalukuyang nakakulong sa Lubao Municipal Police Station ang driver ng bus na si Manuel Yambot. Kwento niya, iniwasan niya ang mga sasakyang nasa harapan niya na bigla umanong huminto.

Kwento naman ng ilang nakakita, mabilis umano ang takbo ng driver.

Nakasuhan na ng reckless imprudence resulting to multiple physical injuries ang driver ng bus habang patuloy pang nagpapagaling ang mag-iina sa isang ospital sa bayan.

কোন মন্তব্য নেই:

একটি মন্তব্য পোস্ট করুন